Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 sugatan sa QC fire

$
0
0

DALAWA ang sugatan kabilang ang 93-anyos na lola sa magkahiwalay na sunog na naganap sa Quezon City kagabi, Mayo 25, 2013.

Kinilala ang nasugatan na si Helen Paraso, ng A. Bonifacio cor. Abad Street, Paang Bundok, QC.

Ayon kay SFO1 Francisco Mabunga ng Quezon City Bureau  of Fire  Protection  naganap  ang insidente sa 48 A. Bonifacio cor. Abad Street, Paang  Bundok, QC alas-8:28 ng kagabi.

Sinabi sa ulat na nagtamo ng sugat ang biktima matapos tupukin ng apoy ang 4 door apartment sa kanilang lugar.

Agad din na-fire out ang sunog matapos magsidatingan ang mga  bumbero.

Samantala, isang 15-anyos naman na lalaki ang nasugatan sa sunog na naganap sa Block 11, Lot 3 Residential Street, Brgy. Batasan, dakong 2:10 ng hapon kanina.

Ayon sa BFP-QC, tatlong pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang tupukin ng apoy ang isang bahay sa lugar.

Naapula ang sunog dakong 2:21 ng hapon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>