Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

QC gov’t handa na sa tag-ulan

$
0
0

HANDA na ang Quezon City government sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay QC Vice Mayor Joy Belmonte, nagsagawa na ng de-clogging sa mga estero at kanal ang mga tauhan ng QC hall at  nagpatupad ng riprapping upang maiwasang maapektuhan ng pagbaha ang mga residente na  naninirahan malapit sa ilog.

Gayundin ay pinalilipat na sa mas ligtas na lugar ang mga nakatira sa mga danger zones upang maprotektahan ang kanilang mga pamilya sa panahon ng tag-ulan.

Sinabi pa ni Belmonte na may nakalaan na ding programa ang lokal na pamahalaan laban sa sakit na dengue na kalimitang lumilitaw  tuwing tag-ulan.

Kaugnay nito, binilinan pa ng QC  government ang mga residente na maging malinis sa bahay at kanilang paligid upang makaiwas na pamugaran ng lamok na may dalang dengue ang lugar.

Sinabi ni Belmonte na sapat naman ang pondo ng pamahalaan na inilaan para sa kampanya laban sa sakit na dengue.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>