Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bus sinuwag ng military truck, sundalo lagas, 14 sugatan

$
0
0

NALASOG sa aksidente ang isang sundalo habang sugatan naman ang 14 pang kasamahan nito nang suwagin ng kanilang sinasakyang 6×6 military truck ang kasalubong na pampasaherong bus sa Ilocos Norte kaninang madaling araw (Mayo 23).

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Sgt. Anastacio Fernandez, miyembro ng 41st Infantry Division ng Philippine Army (PA).

Isinugod naman sa isang district ospital sa Ilocos Norte  ang 14 pang sundalo sanhi ng iba’t ibang kapansanan sa ulo at katawan.

Sa kabutihang palad, walang nasugatan sa mga pasaherong sakay ng Florida bus.

Naganap ang insidente dakong 1:30 ng madaling araw sa national highway ng Barangay Susugaen, Pasuquin, Ilocos Norte.

Bago ito, nagmula sa Cagayan ang naturang military truck at pabalik na sa kampo sa Abra nang biglang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang tsuper nito at sinuwag ang kasalubong na pampasaherong bus.

Sa  lakas ng pagkabangga, dumiretso ang military truck sa isang bahay sa gilid ng highway pero sa kabutihang palad ay walang nasugatan sa mga nakatira.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>