BAHAGYANG humupa ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan dahil sa pagkakaroon ng cooperative investigation hinggil sa pagkakapatay sa isang Taiwanese fisherman na si Hong Shi-cheng .
Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, na ang positibong posisyon nina Pangulong Benigno Aquino III at Taiwan government sa palitan ng mga ito ng kanilang mga pahayag na pagbibigay proteksyon sa mga Taiwanese na nasa Pilipinas at mga Filipino sa Taiwan ay isang malinaw na indikasyon na mas magiging positibo na ang relasyon ng dalawang bansa.
“Medyo bumababa na nang kaunti. I was able to speak to Chairman (Amadeo) Perez of MECO this morning and Chairman Perez said that his counterparts in Taiwan were able to receive word of the President’s interview yesterday wherein the President expressed his thanks also to them for making sure that our citizens will be protected and that the attacks will not be repeated. This was received well by the Taiwanese side and they said that they will ensure that no harm will come to our citizens there,” ang pahayag ni Usec. Valte.
Wala namang ideya si Usec. Valte kung nabigyan na ng clearance ang National Bureau of Investigation (NBI) na magpunta ng Taiwan
Tiniyak ng Malakanyang na ilalabas din ng NBI ang kabuuan ng kanilang imbestigasyon para tapatan ang imbestigasyon ng Taiwan investigators.
Kabilang na rito ang ipinalabas ng Taiwan na ebidensya na nagpapakita na binaril ang fishing vessel ng malayuan subalit sakop ng tinatawag na exclusive economic zone base sa satellite feed mula sa nasabing fishing vessel.
“The report can be expected once the entire investigation is finished. I understand that they’ve already done substantial work but they do want to be able to inspect the fishing vessel in question.The investigation is very exhaustive and they’re looking at all factors that may be contributory,” ani Usec. Valte.
Wala namang nakikitang dahilan ang Malakanyang para patulan ang hirit ng Federal Bureau of Investigation ng Estados Unidos na makisawsaw na rin sila sa “gusot” ng Pilipinas at Taiwan.
“That has not been discussed. The investigation of the NBI is underway, is ongoing, and they have done more or less the work that is necessary. May hinihintay pa lang sila,” aniya pa rin.
Sa ngayon, ginagawa namang mabuti ng investigative team ang kanilang trabaho sa aspetong ito.