PINALAYA nang hindi sinasaktan ang anim katao kabilang ang isang batang babae na hinostage ng New People’s Army rebels sa isang security agency office sa Tagum City, Davao del Norte, ayon sa ulat ng isang military officials.
Sinabi ni Superintendent Epe Rillo, Tagum police chief, na ang mga biktima ay dinala ng mga rebelde sa isang Catholic priest sa Maco, Compostela Valley, matapos silang i-captive sa loob ng 24 oras.
Kinilala ni Rillo ang ilan sa mga pinalayang hostages na sina Terecio Laplana, manager ng local office ng Dasia Security Agency; ang misis nitong si Concepcion; at ang kanilang 10-anyos na anak na babae.
Sinabi ni Rillo na ang pagsalakay nitong Lunes ng gabi sa Dasia security agency ay may koordinasyon sa NPA units sa North Cotabato at Compostela Valley.
Sa North Cotabato, pinigil panandali ang may anim na van drivers pero pinakawalan din ilang sandal lamang ang nakalilipas. Ang mga sasakyan na kanilang minamaneho ay tinangay ng mgna rebelde.
Pinasabog din ng NPA rebels ang isang land mine sa Tagum-Agusan highway sa Barangay Magdum nitong nakaraang Lunes habang ang Army truck ay dumadaan. Ilan sibilyan ang naktan sa pagsabog.
Nagpalabas naman agad ang NPA kaninang umaga (Mayo 22) ng magkahiwalay na pahayag at inamin na sila ang nasa likod ng mga pagatake bilang parte ng kanilang kampanya laban sa kanilang legitimate targets.