NANAWAGAN ang liderato ng Kamara sa Philippine National Police at Commission on Elections na huwag magbigay ng special treatment sa sinumang kandidato na mahuhulihan ng baril.
Ito ay sa harap ng pagpapatupad ng gunban sa harap na tatagal hanggang matapos ang eleksyon sa Mayo.
Binigyang diin ni House Deputy Speaker Ma. Isabelle Climaco na dapat magpairal ng patas na batas ang PNP at Comelec kahit sa mga opisyal ng gobyerno o kandidato na mahuhulihan ng baril pero walang exemptions.
Ani Climaco, ito lang ang paraan para maipatupad ng tama ang gunban at magkaroon ng malinis at payapang eleksyon.
Maging si Southern Leyte Rep. Roger Mercado ay pinaalala sa kanyang mga kapwa mambabatas na sumunod sa ipinaiiral na batas lalo na ang mga kandidatong may private armed groups.
“Bilang isang aspirante para sa elective post, kailangan natin sumunod sa rules ng commission on elections. nananawagan ako sa publiko na maging mapagmatyag at i-report ang anumang karahasan sa mga otoridad,” dagdag pa ni Climaco.