Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Proklamasyon sa top 9 senatoriables, ipinauulit

$
0
0

NANINIWALA ang  isang beteranong election lawyer na dapat na ulitin ang isinagawang proklamasyon sa Top 9 winning senate bets na una nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) na tumatayong mga miyembro ng National Board of Canvassers (NBOC) nitong Huwebes  Biyernes.

Sinabi ni Atty. Romulo Macalintal na wala na siyang plano pang pigilan ang nagpapatuloy na canvassing at inaasahang proklamasyon pa ng tatlo pang natitirang winning senators hanggang kagabi (Sabado).

Gayunman, naninindigan ang abogado na illegal ang proklamasyon sa Top 9 kaya’t dapat na uliting muli ang pag-proklama sa mga ito.

Muli rin naman hinimok ni Macalintal ang mga senators-elect na isauli ang kanilang Certificates of Proclamation dahil ni hindi umano nakalagay sa mga ito ang bilang ng kanilang nakamit na boto, maging ang ranggo nila sa eleksiyon.

Iginiit pa ni Macalintal na dapat na hinintay na lamang ng NBOC ang pagdating ng natitira pang Certificates of Canvass (COC).

Nagbabala rin si Macalintal na ang proklamasyon batay sa ‘grouped canvass reports’ lamang ay maaaring maging pangit na halimbawa o precedent para sa nakatakdang presidential elections sa taong 2016.

Matatandaang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na ibinase nila ang proklamasyon sa ‘grouped canvass report’, na ginamit nila para tukuyin kung sinu-sinong kandidato ang pasok sa Top 12.

Ang naturang report umano ay ipinadala sa Comelec sa pamamagitan ng fax, at naglalaman ng mga botong nakuha ng mga kandidato sa lahat ng posisyon at bilang ng mga rehistradong botante.

“Grouped canvass report can take the place of COC as partial results,” ani Brillantes.

Kabilang sa mga naiproklama na ng NBOC ay sina Grace Poe, Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, Francis Escudero, Nancy Binay, Sonny Angara, Bam Aquino, Antonio Trillanes IV at Koko Pimentel.

Hindi naman nakadalo sa proklamasyon si Trillanes dahil out of town ito, habang tumanggi namang dumalo sina Binay at Pimentel dahil nais muna umano nilang makita ang pinal na tally ng botohan na siyang ginamit na basehan sa pagproklama sa kanila.

INAASAHAN namang hanggang kahapon ay matatapos na ng NBOC ang canvassing at proklamasyon sa ika-10 hanggang ika-12 panalong senador.

Kung pagbabasehan ang partial at official tally ng NBOC, inaasahang kukumpleto sa Top 12 sina Cynthia Villar, JV Estrada at Gringo Honasan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa 126 na mula sa kabuuang 304 COCs ang natapos bilangin ng NBOC sa Philippine International Convention Center (PICC), na katumbas ng 39,167,146 boto.

Nasa anim na lokal COCs na lamang ang hindi nasasalang sa canvassing kabilang ang Tawi Tawi, Marinduque, Western Samar, Lanao del Norte, Davao del Norte at North Cotabato.

Dumating na rin ang 188 COCs mula sa 188 bansa at hinihintay na lamang ang canvass certificates na mula sa Ottawa, Canada at Tripoli, Libya.

Nasa 100% na rin ang transmission ng mga COC sa 11 sa 17 rehiyon sa bansa kabilang ang Cordillera Administrative Region (CAR), Caraga, Regions 1, 2, 3, 4-A, 5, 6, 7 at 9, at sa National Capital Region (NCR).

Ang transmissions naman mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Region 4-B ay nasa 80%, 75% naman sa Region 12, 83.33% sa Regions 8 at 11 at 85.71% sa Region 10.

Nabatid na sa overseas absentee voting naman, na may kabuuang 975,263 boto, ay 12.24% pa lamang ang natanggap.

Sa pinakahuling tally hanggang 11:40 ng tanghali kahapon ay makikitang hindi naman nagkakaroon ng pagbabago sa pwesto ng Top 9 winning senatoriables na una nang iprinoklama ng NBOC.

Nangunguna pa rin sina Poe (19,828,262 votes); (2) Legarda (18,197,504); (3) Cayetano, (17,153,733); (4) Escudero (17,071,568); (5) Binay (16,399,739); (6) Angara (15,626,960); (7) Aquino (15,123,026); (8) Pimentel (14,365,080); at (9) Trillanes (13,785,975).

Sumusunod pa rin sa kanila sina (10) Villar na may 13,494,702 boto, (11) Ejercito na may 13,360,579 boto at pang-12 si Honasan na may 12,909,206.

Nananatili naman sa pang-13 pwesto si Richard Gordon na may 12,252,317 boto.

Samantala, sinabi naman ni Brillantes na sa sandaling matapos ang proklamasyon sa mga nanalong senate bets ay agad nilang ipagpapatuloy ang canvassing sa mga boto sa party-list race.

Una nang itinigil ang pagbibilang ng mga boto sa party-list race dahil sa dami ng katanungan ng mga abogado ng mga grupong kalahok sa eleksiyon, na nakakapagpabagal sa canvassing ng boto sa senatorial race.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>