KRITIKAL ang isang binatilyo matapos itong pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek Lunes ng hapon sa barangay Northbay Boulevard South, Navotas City.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak isa iba’t ibang parte ng katawan si Jayson Pakod y Toyogun, 14, studyante, ng Kapitbahayan Village NBBS.
Mabilis na tumakas ang isang di pa nakikilalang suspek tangan ang ginamit na patalim.
Ayon sa ulat dakong alas 4:00 ng hapon ng saksakin ang biktima sa nasabing lugar.
Nabatid, naglalakad pauwi ng biktima ng harangin ng suspek ngunit pumalag na naging sanhi ng pagsasksakin ito ng suspek.
Inaalam nang mga awtoridad ang motibo sa insidente habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa suspek.