Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Erap- Isko, naproklama na

$
0
0

UPDATE: NAPROKLAMA na  si dating pangulong Joseph “ Erap” Estrada bilang bagong alkalde ng lungsod ng Maynila.

Sina Erap at Vice Mayor Isko Moreno ay umakyat na ng stage upang pormal  na tanggapin ang kanilang kopya ng certificate of proclamation.

Kasama ni Erap  ang kanyang maybahay na si Dra. Loi Estrada,anak na si  Senador Jinggoy Estrada.

Sa  pagsara ng bilangan, nakakuha si Erap ng kabuuang bilang ng boto na 288,058 habang nakakuha lamang ang kanyang kalaban na si re-electionist Mayor Alfredo Lim ng kabuuang bilang ng boto na 257,631.

Si Moreno naman ay nakakuha ng 329,596  at si Veloso ay 196,967 boto lamang mula sa partial and unofficial tally sa mga clustered precinct.

Sinabi  ni Erap na  ang signifance ng kanyang pagkapanalo ay upang mabigyan ng pagkakataon na pagsilbihan ang kanyang sinilangan sa Maynila  at makasuklian ang kanyang utang loob sa kanyang kababayan sa lungsod ng Maynila.

Binati  rin nito si Lim ng “happy retirement” matapos itong tanungin kung ano ang kanyang mensahe sa papaalis nang alkalde ng lungsod.

Hiniling naman ni Senator Jinggoy Estrada na tigilan na ang iringan ng kanyang ama at ni Lim.

Samantala, lubos ang pagpapasalamat ng Erap-Isko tandem matapos silang maproklama ngayong umaga.

Sa pahayag ni Estrada, wala siyang hinangad kundi iaalay ang kanyang karanasan at gagawin nito ang lahat upang iangat ang antas ng kabuhayan sa Maynila.

Tiniyak naman ng bagong alkalde na kanyang ibabalik ang sigla ng Maynila upang ito ay muling maipagmalaki.

Ang Maynila aniya ayon sa pag-aaral ay may pinakamaraming mahihirap at walang trabaho kaya ito aniya ang kanyang uunahin sa kanyang pag-upo  upang sa gayon ay magkaroon ng tunany na mapayapa at peace and order sa lungsod.

Gayundin, nagpasalamat din si Moreno  sa lahat ng sumuporta mula sa 40 days na kanilang pangangampanya .

Sinabi  ni Moreno  na  makakaasa ang Manilenio   na  gagawin nila ni Mayor Estrada  upang maging maayos at pagkakaisa  sa lungsod.

” Makakaasa po kayo na sa aming dalawa ni Mayor Erap , we will innitiate unity, magbubukas kami ng pintuan sa kasakuluyang adminsitrayson,hindi lamang pinto kundi bintana” ani Moreno.

Hiniling din ni Moreno   na may   kababaaang loob  na makiisa na ang dating administrasyon sa bagong halal na alkalde ng Lungsod na si Estrada.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan