Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagpasok ng media sa polling precinct, ikinadismaya ni Brillantes

$
0
0

NADISMAYA si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. matapos na maging ‘magulo’ ang ginawang coverage ng ilang miyembro ng media sa idinaos na midterm elections sa bansa kahapon, partikular na sa pagboto ni dating pangulo at Manila mayoralty candidate Joseph ‘Erap’ Estrada sa Padre Burgos Elementary School sa Altura, Sta. Mesa, Manila.

Nakita kasi mismo ni Brillantes sa telebisyon kung paano hindi napigilan ng mga miyembro ng Board of Election Inspectors (BEIs) ang mga miyembro ng media nang sumugod at pumasok ng polling precinct upang makuhanan lamang ang pagboto ng dating pangulo.

Ayon kay Brillantes, hindi dapat ang ginawa ng mga media dahil mayroon silang mga rules na ipinatutupad na hindi maaaring pumasok sa polling precinct kahit pa miyembro ng media.

Maaari kasi aniyang maapektuhan ang mga makina sa ginawang pagkakagulo ng  mga media kung natamaan ng mga ito ang mga linya ng kuryente.

“Mukhang may training ata yung mga cameramen na sumugod e. Hindi naman dapat. Kasi mayroon naman kaming rules kung sino ang pwedeng pumasok sa presinto. Maski media di pwedeng pumasok,” ani Brillantes.

“Di yung lalapit sila sa loob magkakagulo. Maapektuhan pa nga mga makina namin diyan, matatamaan ang linya. Maraming pwedeng mangyari pag nandyan nagkakagulo ng ganyan,” aniya pa.
Nabatid na dakong 9:00 ng umaga nang bumoto si Estrada, kasama ang kanyang maybahay na si dating First Lady Luisa ‘Loi’ Estrada.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>