SANHI ng matinding political rivalry, pinalitan ng mga tropa ng Philippine Marines ang mga police personnels na nakatalaga sa poll precincts para maiiwas sila mula sa partisan political influence sa isang Sulu town, pahayag ng isang military official.
Kinumpirma naman kaninang umaga (Mayo 13), ni Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr ang nasabing pag-takeover, na aniya ay base sa kasunduan nitong Linggo, kasunod ng tumitinding political rivalries sa Tongkil town.
Samantala, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Major Ramon Zagala na ang Comelec, PNP at AFP ay nagkasundo na palitan ang mga police personnel sa Tongkil, sa rekomendasyon na rin ni AFP Western Mindanao Command, sa ilalim ni Lt. Gen. Rey Ardo.
“This is to deescalate the intense political rivalries,” pahayag nito. “Yesterday [Sunday] lumabas ang utos,” dagdag pa nito.
“We received sketchy reports regarding an encounter in the area,” he said. “We are still confirming reports, I will get back to you,” sabi ng opisyal.