Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Tanod tinambangan, dedbol; binatilyo sugatan sa ligaw na bala

$
0
0

TINAMBANGAN at pinatay ang isang barangay tanod habang tinamaan ng ligaw na bala ang isang binatilyo kagabi sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Ariel Que, 40, ng M. Adriatico St., Malate,barangay tanod Barangay 204 Zone 77, District  5 habang patuloy na inoobserbahan sa Ospital ng Maynila ang batang biktima na si Jude Anthony Tomnog, 13, ng 2915 Madre Ignacia St sa Malate.

Sa naturang insidente, nakatakas ang suspek na si Sorab Vallo, nasa edad na mula 20 hanggang 25, may taas na mula 5’5 hanggang 5’7 at nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo ng MPD homicide, alas-7:00  kagabi nang tambangan ng suspek ang barangay tanod at nang makitang papalabas ng bahay saka pinaputukan ng sunud-sunod.

Nakita ng anak ng biktima na si Christopher ang insidente kaya agad na sinaklolohan ang kanyang ama at isinugod sa Ospital ng Maynila ngunit idineklara ding patay ganap alas 11:00 ng gabi.

Habang  sugatang  binatilyo  ay  nag-iibig naman umano ng tubig nang tamaan ito ng ligaw na bala .

Hinihinalang motibo sa krimen ang ginawang panenermon ng naturang barangay tanod sa nobya umano ng  suspek dahil sa palagiang pagtambay sa lugar lalo na umano kung gabi.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


WAKAWAK


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


KANTUTAN


BEMBANG


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>