Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bahay ni ex- DOJ secretary sa Iloilo, initsahan ng granada

$
0
0

HINAGISAN ng granada ang bahay ni dating Department of Justice secretary Raul Gonzales sa Iloilo kaninang madaling araw (Mayo 9).

Sa kabutihang palad, wala namang nasugatan o namatay sa pagsabog dahil bumagsak ang granada sa tapat lang at hindi sa loob mismo ng bahay ni Gonzales sa Barangay Quintin Salas sa Jaro, Iloilo dakong 1:45 ng madaling araw.

Ayon sa nakasaksi, bago ang insidente ay may biglang sumulpot na isang motorsiklong may sakay na dalawang kalalakihan.

Bumaba ng motorsiklo ang isa sa kanila at may initsang bagay sa bahay ni Gonzales pero imbes sa loob ng bakuran ay sa tapat ng gate lamang ito lumagpak.

Ilan segundo matapos tumakas ang mga suspect, biglang niyanig ng pagsabog ang kapaligiran.

Paniwala naman ni Gonzalez na ang motibo sa pag-atake ay isang political harassment dahil tatakbong kongresman ang kanyang anak sa May 13 election.

Narekober sa lugar ang mga piraso ng shrapnels at ang safety lever ng granada.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>