MAY naitalaga nang mahistrado na reresolba sa usapin ng source code na nakabimbin ngayon sa Korte Suprema.
Nabatid sa source na isang malapit na kaibigan at appointee ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino ang naitalagang magponente sa desisyon ng kontrobersyal na kaso ng source code.
Si Associate Justice Bienvenido Reyes ang napiling magsulat ng desisyon kaugnay sa petisyong inihain ni dating Senador Richard Gordon.
Ang petisyon ay may kaugnayan sa kahilingan ni Gordon na atasan ng SC ang Comelec na ilabas na ang source code.
Si Reyes ay appointee ni Pangulong Aquino at dating business partner noon sa Best Security Agency (BSA).
Matatandaan na una ng pinuna ng mga kritiko ng administrasyon ang pananahimik ng Malakanyang sa isyu ng source code.
Una ng itinakda bukas ng Korte Suprema ang oral argument kaugnay sa source code, kung saan inatasan rin nito ang Comelec na magpaliwanag.