Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Panukalang dagdag tax exemptions, hiniling kay PNoy na lagdaan na

$
0
0

DAGDAG na tax exemptions sa mga taxpayers na may anak o dependents na may kapansanan, iginiit ng isang mambabatas na isabatas na.

Positibo si  Isabela Rep. Giorgidi Aggabao,  Vice Chairman ng House Committee on Ways and Means na maisasabatas pa ng 15th Congress para sa nalalabi nitong araw ng sesyon ang nasabing panukala kung hindi ay handa siyang muli itong ihain sa susunod na KOngreso.

Inaprubahan ng Kamara ang HB 5431 sa ikatlo at huling pagbasa noong December 13, 2011, samantalang ang bersyon ng Senado o Senate Bill 2855 ay nito lamang ast January 28, 2013.

“We remain hopeful the reconciled version will be hammered out and ratified by both the House and the Senate when we resume sessions next month, and ultimately be signed into law by the President.”

Siniguro ng kongresista na ang dagdag na tax exemptions para sa mga magulang na may anak na may kapansanan o disabled ay makatutulong upang ito ay maipa-therapy.

Para sa mga dependents na disabled, ang taxpayers ay mabibigyan pa ng karagdagang P25,000 tax exemptions para sa mga “dependent without disability, not exceeding four” at P50,000 naman para sa “dependent with disability.”

Ang dagdag na tax exemptions ay maaaring i-claim ng isa sa mga magulang kung kasal samantalang kapag hiwalay ay
maki-claim ang dagdag na exemptions ng taxpayer na siyang nag-aalaga sa anak na may kapansanan.

Ang terminong “disabled person” ay yaong mga taong  “suffering from restriction or different abilities as a result of mental, physical or sensory impairment, to perform an activity in the manner or within the range considered normal for a human being.”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan