Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Aberya sa PCOS machines walang epekto sa eleksyon, solons

$
0
0

KUMPIYANSA ang mga kongresista na hindi makaka-apekto sa halalan ang maliit na aberya sa ginanap na pinakahuling pagsusuri sa PCOS machines.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na lahat ay nakalatag at handa na para sa padating na eleksyon sa Lunes, Mayo 13.

“Everyone is set for the elections,” sinabi ni Belmonte.

Giit nina Quezon City Rep. Jorge “Bolet” Banal at CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna na imposibleng makahadlang pa sa pangkalahatang pagdaraos ng eleksyon ang maliit na aberya sa final testing ng PCOS machines.

“Naniniwala po ang tiwala ng taumbayan sa competence at integrity ng bagong Comelec Chairman. Tapos na po ang panahon ng hello Garci at ng malawakang manipulasyon ng boto nung panahon ni dating PGMA,” ani Banal.

Ngunit sa panig naman ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong at AKO Bicol Partylist Rep. Rodol Batocabe ay nangangamba sila na ang maliit na aberyang ito ay lumaki kapag hindi agad nagawan ng solusyon.

“Sana maayos yung problem kasi it will cause bigger problem,” sinabi ni Datumanong.

Sa panig naman ni Batocabe ay umaasa siyang “sana naman mawala yang maliit na aberyang yan pagdating ng eleksyon , mahalaga na magkaroon ng malinis na eleksyon para magkaroon ng stabilidad ang pamahalaan.”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>