NAG-POSE ang tanyag na musikerong si Ely Buendia para sa isang mug shot habang hawak ang prison-like card na nagpapahayag na gusto niyang palayain na si Mali.
Ayon sa grupon PETA, sumali na rin si Buendia sa panawagan na mailipat na an maysakit na elepanteng si Mali sa isang santuwaryo.
Sabi ng grupo isang santuwaryo ang pumayag na na kupkupin ang may sakit na elepante.
Anila, mahalaga na mailipat si mali dahil bukod sa patuloy na sakit na nararamdaman dahil sa hindi pag-tugon sa masamang kundisyon ng kanyang mga paa, si Mali rin ay pinagkaitan ng lahat ng natural at importante para sa kanya sa Manila Zoo.
Ngunit sa santuwaryo, magkakaroon siya ng ekta-ektaryang lupain para libutin, ilog at palatubigan na paliguan, at ang napakahalagang pakikisama ng iba pang mga elepante. Ang mga eksperto sa mga hayop, kabilang na dito sina Dr. Dame Daphne Sheldrick, Dr. Jane Goodall, Dr. Philip K. Ensley, at ang sikat na beterinaryo na si Dr. Henry Melvyn Richardson, na siyang nakatuklas na si Mali ay may potensyal na nakamamatay na sakit sa paa, ay nananawagan na ilipat siya sa isang santuwaryo.
Kabilang din ang Earth Island Institute, The Philippine Animal Welfare Society, Humane Society International, The World Society for the Protection of Animals, Animals Asia, at iba pang prestihiyosong mga samahan ay nagpahayag din ng supporta para sa pag-lipat ni Mali.
Nakamit ni Buendia ang katanyagan bilang lead vocalist, songwriter at guitarist ng chart-topping na bandang Eraserheads, at ngayon naman ay nasa mga bandang Pupil at the Oktaves, ay ang pinakabagong bituin na nananawagan ng hustisya para kay Mali.