SAN FERNANDO CITY – Namahagi na ang Commission on Elections (Comelec) dito sa lungsod ng “voter’s information and instruction sheet” (VIIS) sa mga barangay upang mabigyan ng gabay ang mga rehistradong botante sa eleksiyon ngayong Mayo.
Ayon kay Lawyer Jugeeh Deinla, acting city Comelec officer, ang mga kapitan at opisyales na ang magbibigay ng kopya sa bawat botante sa kani-kanilang lugar.
Aniya, nakatakda din ang Comelec na magbahagi ng VIIS sa susunod na linggo sa mga malalaking lugar rito.
Sa ilalim ng information sheet, maaari nilang tignan ang paraan para makita ang sample ballot sa kanilang bayan o lungsod gamit ang Comelec website partikular na sa www.comelec.ph.
Kabilang rin sa VIIS ang mga paraan at direksiyon upang bigyan gabay ang mga tao sa tamang pagboto, paliwang niya.
Gayunpaman, tiniyak ni Deinla na mabibigyan ng VIIS ang 64,268 na bilang ng botante sa lungsod.