Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

Lack of gov’t resolve to stamp out ‘culture of impunity’ showing in Bukidnon radio station grenade attack – National Press Club

$
0
0

THE National Press Club of the Philippines (NPC) said the Aquino government’s “utter lack of resolve and sincerity” in stamping out the “culture of impunity” is to be blamed for the grenade attack at a radio station in Bukidnon last Wednesday.

“Even as large sections of the media continues to ‘play favourite’ with Pres. Benigno Aquino III by downplaying many of his policy blunders and shortcomings in governance, the administration, in return, continues to demonstrate utter lack of sincerity in combatting the culture of impunity and protecting the welfare of the media,” NPC president Benny Antiporda said.

Authorities said two motorcycle-riding suspects on Wednesday, June 26, threw a fragmentation grenade at the station of ‘Radyo Abante’ in Maramag that injured one radio utility worker.

They managed to escape while the incident is still “under investigation.”

Antiporda bewailed that with the ‘Ampatuan Massacre’ case that killed 32 journalists in 2009 seemingly headed into a compromise thru the government’s “waning interest” on the case, “the situation of the country’s members of the press can only get worse.”

“The situation of the members of the Philippine press can only get worse if the authorities continue with its ‘laid-back’ attitude in resolving attacks against the media,” Antiporda said.

“Giving justice to the Ampatuan massacre victims is among Pres. Aquino’s campaign pledge in the 2010 elections and now, it is headed for a ‘compromise.’

“As a result, groups and individuals with axe to grind against media practitioners are emboldened knowing the government lacks seriousness in going after them.

“The grenade attack in Bukidnon certainly will not be the last in the remaining years of this administration,” Antiporda warned further.

The post Lack of gov’t resolve to stamp out ‘culture of impunity’ showing in Bukidnon radio station grenade attack – National Press Club appeared first on Remate.


Tourists arrival sa Negros Occ, sumipa ng 70%

$
0
0

SUMIPA ng 70.4 porsyento ang naitalang pumasok na mga dayuhang turista sa Negros Occidental kung ikukumpara noong 2012.

Ang datos ay batay sa inilabas na record ng Bureau of Immigration-Bacolod na ayon sa kanilang natanggap na grant na mga visa extension at applications ay umabot na sa 4,827 hanggang Hunyo 24, 2013.

Napag-alaman na noong 2012, umabot sa 8,036 ang mga visa application ang na-grant sa buong Negros Occidental.

Nangunguna rito ay ang mga Koreano na umabot sa 2,726, sumusunod ang mga Amerikano na umabot sa 529 at Japanese na may 482 na mga nai-grant na applications.

Umabot naman sa 70 iba’t ibang mga nationalities ang pumupunta sa tanggapan upang mag-apply ng visa extension.

Nangunguna pa rin ang mga Koreano na may pinakamaraming application para sa special study permit ngayong taon.

Batay sa record hanggang Hunyo 24, umabot sa 1,547 ang application para sa study permit na umabot sa 1,266 ang mga Koreano sinusundan ng mga Japanese at Taiwanese. Ito ay mas mataas ng 20 percent kumpara noong 2012.

Napag-alaman na noong 2012 ay umabot sa 2,423 ang kabuuang special study permits ang nai-grant ng BI.

The post Tourists arrival sa Negros Occ, sumipa ng 70% appeared first on Remate.

Katorse hinalay ng kaibigan

$
0
0

HINDI lubos maisip ng isang 14-anyos na dalagita na sariling kaibigan pa nito ang sisira sa kanyang pagkababae makaraang lasingin ito ng 20-anyos na estudyante at halayin noong Martes ng gabi sa Pasay City.

Inaresto ng mga opisyal ng barangay ang suspek na si Joaquin Dimabayao II sa kanilang bahay sa 2200 P. Dandan St., Brgy 54 kamakalawa ng hapon makaraang ituro ng dalagita na siyang humalay sa kanya.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Carmencita Mejias ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Pasay police, inimbitahan umano ng suspek ang biktima sa kanilang bahay noong araw ng Martes, Hunyo 25 na pinaunlakan naman ng dalagita.

Naglabas umano ng bote ng alak ang suspek dakong alas-9 na ng gabi at inalok na makipag-inuman sa kanya ang biktima.

Nang malasing ang dalagita, dito na siya pinagsamantalahan ng suspek at kinabukasan na lamang siya nakatakas at nakapagsumbong sa ina hinggil sa ginawang pangmomolestiya sa kanya ng kanyang kaibigan.

Kasong Rape at paglabag sa R.A. 7610 o Child Abuse ang isasampa ng pulisya sa Pasay City Prosecutors Office laban kay Dimabayao.

The post Katorse hinalay ng kaibigan appeared first on Remate.

Ex-convict binaril, tepok

$
0
0

PATAY ang isang 34-anyos na “Ex-con” nang barilin ng malapitan sa kanyang ulo ng hindi nakilalang salarin makaraang magpanggap na pasahero ang suspek sa pinapasadang traysikel ng biktima kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa biktimang kinilalang si Richard Marcelo, alyas “Wangbo” residente ng 1918 Tramo St., na binaril ng malapitan sa ulo ng kanyang pasahero pasado alas-2 ng hapon sa kalye P. Samonte St., sa nabatid na lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ni S/Insp. Aldrin Thompson ng Police Community Precinct (PCP) 2 ng Pasay police, bago nadiskubre ang bangkay ng biktima, isinakay nito ang isang lalaki na tinatayang nasa pagitan ng edad na 30 hanggang 32, may taas na 5’6 at may punto ng salitang Visaya at nagpahatid sa Sandejas St.

Hindi na umano nakarating sa naturang lugar ang biktima nang barilin ito ng malapitan sa ulo habang tinatahak ang P. Samonte St. na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Napag-alaman na labas-masok na rin sa bilangguan si Marcelo dahil sa mga kinakaharap na kasong panghoholdap at pagnanakaw. Pinakahuling kaso ni Marcelo ang kasong qualified theft kung saan siya muling nakulong at nakalabas din matapos iurong ng complainant ang kaso.

The post Ex-convict binaril, tepok appeared first on Remate.

Flying V nagpatupad ng roll back

$
0
0

MISTULANG tinuldukan ng isang maliit na kompanya ng langis sa bansa ang sunod sunod na oil price hike na pinatupad sa pangunguna ng tinaguriang “Big 3 Oil Companies”, makaraang magpatupad ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Flying V ngayong araw ng Sabado.

Batay sa inilabas na anunsiyo ng Flying V, dakong alas-12:00 ng hatinggabi sisimulan nilang ipatupad ang pagbawas ng 50 sentimos ng presyo ng kada litro ng ibinibentang gasolina at diesel.

Wala naman ginawang paggalaw ng presyo ng kanilang kerosene.

Inaasahan naman ang pagsunod ng pagbawas ng produktong petrolyo ang ibang kumpanya ng langis sa kabila na wala pang inilalabas na anunsyo ang mga ito

Ang bagong bawas-presyo ay bunga ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Kamakailan nagpatupad ng pagtaas ng kanilang produktong petrolyo ang timaguriang “Big 3” oil companies ng ikapitong oil price hike na P0.90 sa diesel at kerosene habang 45 sentimos naman sa gasoline dahil sa paggalaw ng contract price ng langis sa international market at paghina ng piso kontra dolyar.

The post Flying V nagpatupad ng roll back appeared first on Remate.

Pagtanggal ng mandatory drug testing, pinaboran ng PISTON

$
0
0

PABOR ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa pagtatanggal ng Mandatory Drug testing dahil dagdag-gastusin lang ito sa mga PUV drivers at karaniwang motorista simula nang ipatupad ito noong 2002 bilang bahagi ng Comeprehensive Dangerous Drugs Act.

Noong sinasalang pa ang naturang batas sa kongreso at mariing nilabanan na ng PISTON noon pa man ang pagpapatupad ng private drug testing centers na magsasagawa ng mandated drug testing sa mga aplikante ng bago o renewal ng lisesnya ng mga drayber ng PUV at pribado.

Ayon kay George San Mateo, Pambansang Pangulo ng PISTON, noon pa man ay nagbabala na sila na magiging money-making at milking cow lamang ng gobyerno ang pagsasagawa ng mga drug testing ng mga private drug testing centers na nagpapataw ng malaking singil na karaniwan ay nasa P350 samantalang sa mga government hospitals ang karaniwang drug testing ay nasa P50 lamang. Nagresulta ito sa lalong pagtaas sa bayarin sa bagong application o renewal ng lisensya.

“Hindi naging epektibo at hindi naging garantiya na kapag makalusot sa mandatory private drug testing ay “drug-free” na ang drug-user dahil nga ang katangian ng testing ay “anticipated” ay mapapaghandaan ng aplikante ito sa ibat ibang paraan para makalusot. Lalo pa dahil pribado ang nagsasagawa ng drug testing ay walang monitoring at walang public accountability ang mga private drug testing centers. Bukod pa sa maraming napapaulat sa media na kaso na nakakalusot talaga ang mga drug-users ayon na din sa mga pahayag ni Sen. Sotto.,” saad pa ni san Mateo.

The post Pagtanggal ng mandatory drug testing, pinaboran ng PISTON appeared first on Remate.

300 law enforcers sumailalim sa crime, narcotics training

$
0
0

MAY 339 mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sumailalim sa apat at kalahating buwan na pag-aaral at pagsasanay tungkol a mga kurso na may kinalaman sa iba’t-ibang krimen, narkotiko at traffic investigations na isinagawa sa National Forensic Science Training Institute (NFSTI) ng’  Philippine Public Safety College (PPSC).

Ayon kay PPSC president Atty. Ruben R. Platon, ang mga bagong imbestigador na nagtapos ay ikakalat sa bansa.

Ayon kay Platon, guest of honor at speaker sa graduation na isinagawa sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna, ang mga nagtapos na imbestigador ay nagsanay sa ilalim ng Public Safety Crime Investigation and Detection Program (PS CRIDEC) na pinangasiwaan ng NFSTI.

Paliwanag ni Platon, ang nasabing programa ay binubuo ng tatlong kurso na kinabibilangan ng Public Safety Investigation and Detection Course, Public Safety Narcotics Investigation Course, at ang Public Safety Traffic Investigation Course.

Aniya, ang investigation at detection ang pinakamahalagang bahagi para sa mas epektibong  pagpapatupad ng batas .

Ang nasabing programa ay bukas sa lahat ng uniformed personnel ng PAP, BFP, BJMP na may mga ranggong PO2, Fire Officer 2 (FO2), Jail Officer 2 (JO2 ), officers himng prkgram s law enforcement, the PPSC president exhorted the graduates to make use of their  knowledge and skills for the best interest of the service.

The post 300 law enforcers sumailalim sa crime, narcotics training appeared first on Remate.

Sekyu binareta sa ulo, dedbol

$
0
0

BINARETA sa ulo ang isang 40 anyos na guwardiya ng di nakilalang suspek kaninang umaga sa Binondo, Maynila.

Dead on arrival na sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Rene Refil ng Purok 4, Dulo Alabang, Muntinlupa City dahil sa tinamong sugat sa ulo matapos na baretahin ng suspek na agad tumakas.

Sa report ni SPO3 Glenzor A. Vallejo ng MPD homicide, naganap ang insidente pasado alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng DIY Warehouse Building sa kahabaan ng Dasmariñas kanto ng Burke St.s, Binondo, Maynila.

Ayon naman sa isa pang security guard na si Alwin Abong, nasa loob umano siya ng bakuran ng Blue Sky nang marinig niya ang sigaw mula sa labas ng gusaling kanyang binabantayan.

Pagbukas, aniya, ng gate, nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng puting t-shirt na  umano ay mukhang lango sa alak na nakatayo sa harap ng biktima na nakalugmok na sa semento.

Sinigawan ito ni Abong kaya nang makita siya ng suspek ay nagtatakbo ito palayo.

Sa tulong ng iba pang guwardiya sa mga kalapit na gusali ay isinugod ni Abong sa naturang pagamutan si Refil ngunit pagdating sa ospital ay dineklara ni Dr. Aurelio Sejera na dead on arrival.

The post Sekyu binareta sa ulo, dedbol appeared first on Remate.


Seguridad sa oath-taking ceremony ni Erap bukas, kasado na – MPD

$
0
0

HANDA na ang pamunuan ng Manila Police sa gaganaping turnover ceremony at oath-taking ni dating Pangulong Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno bilang mga nanalong kandidato sa pagka-alkalde at bise-alkalde sa Lungsod ng Maynila bukas June 30.

Ganap na alas-10:00 ng umaga, isasalin ni outgoing Manila Mayor Alfredo Lim kay Mayor-elect Estrada ang pamumuno sa lungsod at kasunod nito ang panunumpa ni Estrada na gaganapin sa session hall ng Manila City Hall.

Kaugnay nito, sinabi ni MPD officer–in–charge Senior Supt. Robert Gatlec Po na kasado na ang seguridad sa paligid at lobby ng gusali ng city hall.

Magtatalaga naman ng 100 kapulisan para sa parking at traffic management sa paligid ng Manila City hall.

Nabatid rin kay Po na hindi nag-deploy ng pulis sa loob ng session hall dahil bahala na umano rito ang kampo ng dating pangulo.

The post Seguridad sa oath-taking ceremony ni Erap bukas, kasado na – MPD appeared first on Remate.

Biktima ng salvage, nakita sa kalsada

$
0
0

ITINAPON sa kalsada ang hindi pa kilalang lalaki na hinalang salvage victim sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Hunyo 28.

Tinatayang nasa edad 45 hanggang 50 ang biktima na na-t-shirt na puti at short na brown.

Sa ulat, dakong alas-11:15 ng gabi nang makita ng basurerong si Rene Alemendaz, 28, ang biktima sa Zapote st., Bagong Barrio ng lungsod na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Lumalabas na may dalawang tama ng bala sa ulo ang biktima at nababalot ng packaging tape ang mukha.

Inaalam na kung sino ang biktima at sino ang mga suspek sa krimen.

The post Biktima ng salvage, nakita sa kalsada appeared first on Remate.

PNP at SWAT buy-bust operation vs drug pushers, 2 lagas, 3 sugatan

$
0
0

DALAWA ang nalagas habang apat naman ang sugatan kabilang ang isang pulis nang kumasa sa mga miyembro ng Sta. Ana Police Station at SWAT operatives ang mga suspected drug pushers sa Barangay Sentro, Agdao, Davao City kaninang madaling araw (Hunyo 29).

Sinabi ni P/Supt. Cesar Cabuhat, hepe ng Sta. Ana PNP, na dalawa sa mga suspect na hindi pa nakikilala ang namatay habang tatlo naman ang sugatan na nakilalang sina Baby Boy Manere, 16-anyos, Kalel Manere, 20-anyos at Nadia Manere, 38-anyos na pawang isinugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC). Hindi naman nabanggit sa ulat kung magkakapatid ang mga nasugatang suspect o magkakamag-anak lamang.

Isinugod naman sa San Pedro Hospital sanhi ng isang tama ng bala sa kanang balikat ang isang nagngangalang PO1 Camero na tumayong poseur buyer sa ikinasang buy bust operation.

Naganap ang insidente dakong 12:20 kaninang madaling araw sa isang bahay sa Barangay Sentro, Agdao, Davao City.

Bago ito, nagkasa ng buy bust operation ang pulisya sa nasabing lugar at nagpanggap na poseur-buyer si PO1 Camero ngunit sa kamalasan ay nabuko ito ng mga suspek kaya nakapaghanda para ipagtanggol ang kanilang sarili.

Pumasok sa kanilang bahay ang mga suspect kaya tumawag ng dagdag puwera ang raiding team mula sa SWAT team nang magmatigas ang mga suspect na lumabas ng kanilang kuwarto.

Nang dumating na ang iba pang puwersa, ikinasa na ang pagsalakay pero nakipagpalitan ng putok ang mga suspect kaya gumanti ang mga awtoridad hanggang sa bumulagta agad ang dalawa sa kanila at tatlo naman ang sugatan.

Narekober din ng mga otoridad mula sa mga suspek ang mga armas at jumbo pack na shabu.

Sinunog naman ng mga suspek ang ilan sa hawak nilang mga shabu.

The post PNP at SWAT buy-bust operation vs drug pushers, 2 lagas, 3 sugatan appeared first on Remate.

Nilayasan ng ka live-in, obrero nagbigti

$
0
0

SA pag-aakalang nilayasan na ng kanyang ka-live in, isang construction worker ang nagbigti sa kanyang bahay sa Cebu kaninang madaling araw (Hunyo 29).

Sinabi ni Chimby Labradilla, residente ng Barangay Tungkop, bayan ng Minglanilla, Cebu na hindi niya akalain na magpapakamatay ang kanyang ka live-in na si Roger Villeta, 22-anyos, construction worker, dahil kaya siya umalis ng kanilang bahay ay upang magpalamig lamang ng kanyang ulo.

Ayon sa Minglanilla Police Station, nag-away ang dalawa nitong Biyernes ng gabi dahil hinala ni Villeta na may ibang lalaki ang kanyang kinakasama.

Pero nang magbalik si Labradilla kaninang madaling araw para makipag-ayos ay nakita niyang nakabitin na ang katawan ng kanyang ka-live in sa biga ng kanilang bahay.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga.

The post Nilayasan ng ka live-in, obrero nagbigti appeared first on Remate.

Lalaki binaril, patay

$
0
0

PATAY ang isang lalaki nang barilin ng isang suspek habang naglalakad Biyernes ng gabi  Brgy. Concepcion, Malabon City (June 28.

Patay na ng idating sa Jose Reyes Memorial Hospital si Mark Quinlog, 22, construction worker, ng Blk 22, Kapak St., Dagat-Dagatan, Caloocan City sanhi ng isang tama ng bala sa ulo ng kalibre .38.

Mabilis naming tumakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Lindo  ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, ganap na alas 9:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa Hugnatan St. ng nasabing barangay.

Nabatid, binaril ang biktima ng suspek habang naglalakad ito a nasabing lugar,

Matapos ang pamamaril tumakas ang suspek habang ang biktima ay dinala sa nasabing ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan ng buhay.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

The post Lalaki binaril, patay appeared first on Remate.

2 binatilyo sinaksak ng kaalitan, kritikal

$
0
0

KRITIKAL ang dalawang kabataan nang harangin at pagsasaksakin ng isang armadong binatilyo  kahapon ng madaling araw June 29 sa Brgy. Longos, Malabon City.

Inoobserbahan sa MCU hospital si Jeffrey Dela Cruz y Sadora,  17, ng Blk 40 Phase 3, ng nasabing barangay sanhi ng dalawang malilim na saksak isa sa dibdib at sa kaliwang tagiliran,, Habang si Justine Vasquez y Hernandez  18, ay nakaataya sa Tondo Medical Center  sanhi ng isang  malalim na saksak kanang tagiliran.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Roidan Valdez, 22, binata, ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat, dakon alas 2:45 kaninang madaling araw ng maganap ang insidente sa tapat ng Malabon City University College, Pampano St Longos, Malabon

Nabatid,naglalakad ang mga biktima ng harangin ng suspek na armado ng patalim at agad na  sinaksak ng dalawang beses si Jeffrey tinangkang tulungan ni Justine ang kasama  subalit siya naman ang tinarakan ng saksak.

Sa isinagawang follow up operation ng mga barangay tanod naaresto ang suspek at agad dinala sa presinto.

The post 2 binatilyo sinaksak ng kaalitan, kritikal appeared first on Remate.

Kaso ng DOJ vs Loren, wow mali

$
0
0

ITINANGGI ng Department of Justice ang balita na umanoy inindorso na nito sa Ombudsman ang kasong katiwalian laban kay Senador Loren Legarda.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, walang katotohanan ang anumang lumabas na balita o anumang indorsement mula sa DOJ sa anumang kaso na may kaugnayan sa Senadora.

Nauna ng lumutang sa mga text messages na umano’y inindorso na ng DOJ sa office of the Ombudsman ang kasong katiwalian laban kay Legarda.

Magugunitang lumutang noon si Atty. Luois Barok Biraogo na inaakusahan nito si Legarda ng umano’y hindi pagdedeklara ng tama ng kanyang mga assets sa kanyang SALN partikular na nga ang umano’y binili nitong Condominium sa US..na nagkakahalaga ng $700,000.00.

Samantala, posibleng ilabas na ng DOJ hanggang bukas ang decision nito sa kaso ng pagpatay kay Batangas Assistant Provincial Prosecutor Alexander Sandoval.

Ayon kay APA Omar Casimiro, kung hindi man ngayong araw posibleng bukas kasabay naman ng pagdating ni PG Claro Arellano buhat sa isang komperensya mula sa bansang Tsina.

Paliwanag pa ni Casimiro, halos tapos na rin nila ni APA Laurence Bandong ang kanilang ginawang draft resolution sa kaso ng pagpatay kay APP Sandoval laban sa itinuturo namang mga utak sa krimen na mag-asawang sina Hermogenes at Anna Marie Mendoza kasama ang ilang Jhon does.

Magugunitang nauna ng nahuli si Jayson Espejo Y Guerrero, isa sa mga gunman sa pananambang kay Sandoval noong June 13 kung saan ininguso nito ang mag- asawang Mendoza bilang utak sa pagpapatay kay Pros. Sandoval./Teresa Carlos

The post Kaso ng DOJ vs Loren, wow mali appeared first on Remate.


Walang P100K o suicide note sa opisina ni Benaldo

$
0
0

TALIWAS sa naunang paglalathala sa media, walang nakita ang Quezon City Police District (QCPD) investigators sa loob ng opisina ni Cagayan de Oro Representative Jose Benjamin “Benjo” Benaldo sa House of Representatives nitong Sabado ng gabi ng P100,000 o suicide note sa mesa nito ilang minuto bago naganap ang pagbaril nito sa sarili.

Sinabi ni Senior Superintendent, Procopio Lipana, deputy director for operations ng QCPD na wala silang nakitang halaga ng pera o maging suicide note nang halughugin nila ang tanggapan ng mambabatas para maging ebidensya sa insidente nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Lipana, pinasok niya at ng kanyang mga tauhan ang opisina ni Benaldo dakong 8 p.m., o may isang oras matapos na matagpuan si Benaldo ng kanyang staff sa loob ng kanyang opisina na nagdurugo mula sa isang tama ng baril sa dibdib.

Saksi ang chief of staff ni Benaldo at ang House sergeant at arms nang halughugin ng kapulisan ang opisina ni Benaldo para sa kaukulang ebidensya.

Gayunman, aminado naman si Lipana na hindi na intact o nagalaw na ang scene of the incident nang sila ay dumating sa lugar.

Bilang pagpapatunay nito, ang pagkakarekober aniya na 9mm pistol ni Benaldo sa isa pang mesa sa loob ng kanyang opisina. Ang mesa ang lokasyon ay malapit sa pintuan, ay malayo mula sa blood-stained desk na inookupa ng naturang congressman nang naganap an insidente.

Narekober ng QCPD ang isang 9-mm handgun sa loob ng opisina ni Benaldo at bullet fragments sa loob ng personal room ni Benaldo. Lumabas din sa talaan ng Philippine National Police’s Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) na ang permit to carry ng baril ni Benaldo ay paso na noon pang Marso 22, 2012.

Sa kasalukuyan, si Benaldo ay nakakarekober na at nas  Coronary Care Unit ng St. Luke’s Hospital sa Quezon City.

The post Walang P100K o suicide note sa opisina ni Benaldo appeared first on Remate.

Lider ng carnapper, holdaper, tiklo sa Caloocan

$
0
0

NABAWASAN ang sakit ng ulo ng mga Caloocan City Police matapos madakip ang tumatayong lider ng mga carnapper at holdaper ng lungsod.

Kinilala ni Supt., Ferdinand Del Rosario, Deputy Chief of Police at Public Information Officer ng Caloocan City Police ang suspek na si Jonathan Cuya, 23, ng Balingasa, Quezon City.

Nabatid na noong nakalipas na Hunyo 24, 2013 ng umaga nang masabat ng mga Quezon City Police ang suspek habang dala ang isang karnap na Mitsubishi Gallant kung saan nakuhanan pa ng 2 kalibre .40 si Cuya.

Nang malaman ng Pulis Caloocan City ay agad na nakipag-ugnayan ang mga ito sa Quezon City Police dahil si Cuya rin ang sinasabing suspek sa panghoholdap sa mga tauhan ng isang Benito Sison sa MacArthur Highway ng lungsod noong madaling araw ng Mayo 19, 2013.

Kasama rin si Cuya sa bumiktima at gumapos sa negosyanteng si Phillipe Padilla sa bahay nito sa 12th Avenue noong hapon ng Hunyo 2, 2013.

Sangkot rin si Cuya sa panghoholdap sa mag-asawang Maximo Ferrer at Rosalina kung saan binaril pa sa balikat ang ginang noong hapon ng Hunyo 17, 2013 sa 11th Avenue ng lungsod.

Hunyo 21, 2013 ng hapon nang harangin at holdapin ng grupo ng suspek ang sinasakyan D-Max ni Alfredo Francisco sa 4th st., 7th avenue ng lungsod.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga pulis ang mga kasama ni Cuya na nakilala sa mga pangalang Raymond David, Rodolfo Lalata, Gino Juanchon at Manolo Manguiddong.

The post Lider ng carnapper, holdaper, tiklo sa Caloocan appeared first on Remate.

Bagyong Gorio lumihis, Metro Manila naisalba

$
0
0

DAHIL sa paglihis ng bagyong Gorio, naisalba ang Metro Manila sa nakaambang mga pagbaha dulot ng mga pag-ulan ngunit nanalasa ito sa bahagi ng Batangas at Mindoro.

Magkagayunman, nanatiling nakataas kahapon ang storm warning signal No.1 at basa pa rin sa Metro Manila dahil sa mararanasan na mga pag-ulan lalo na sa  gabi.

Ayon kay PAGASA acting administrator Vicente Malano, ang epekto ng bagyo sa northern Metro Manila ay makaka-apekto rin sa katimugang bahagi pero malabo na bumaha kagaya ng karanasan ng Metro manila noong bagyong Ondoy.

“Kung naging north of Metro Manila ito, kagaya ng Ondoy, magbubuhos ng maraming tubig at magdudulot ng baha,” ayon kay Malano.

Kahapon ng hatinggabi ng linggo, nagkaroon din ng kaunting pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila particular sa erya ng Barangay Pio del Pilar sa Makati City at sinasabing hindi nadaanan ng maliliit na sasakyan ang bahagi ng P. Medina na lumubog sa baha.

Umabot sa hanggang 3 pulgada ang taas ng tubig baha sa Barangay San Antonio sa Mayapis at Caong Streets na hindi pa madaanan hanggang sa ngayon.

Ayon sa PAGASA bagamat 26 mga lugar pa kasama ang Metro Manila na nasa ilalim  pa ng  storm signals habang si Tropical Storm Gorio (Rumbia) ay nanalasa sa Batangas kahapon ng umaga.

Ayon pa sa PAGASA, inaasahan na maaring lumabas ng Philippine area of responsibility si Gorio sa Lunes ng madaling araws.

The post Bagyong Gorio lumihis, Metro Manila naisalba appeared first on Remate.

Grupo ng PISTON pabor sa pag-alis ng mandatory drug test

$
0
0

PABOR ang transport group na Pinagisang Samahan ng mga Tsuper  at Operators Nationwide (PISTON) na alisin ang Mandatory Drug testing ng mga Private drug Testing Centers sa mga PUV Drivers at karaniwang motorista bilang requirement sa pag-aplay at renewal ng drivers license sa LTO.

Ayon kay George San Mateo, Pangulo ng Piston, pabor sila sa naturang hakbang dahil naging napakalaking dagdag-gastusin lang ito sa mga PUV drivers at karaniwang motorista simula nang ipatupad ito noong 2002 bilang bahagi ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Sinabi ni San Mateo na noon pa man ay nagbabala na sila na magiging money-making at milking cow lamang ng gobyerno ang pagsasagawa ng drug testing ng mga private drug testing centers na nagpapataw ng malaking singil na karaniwan ay nasa P350 samantalang sa mga government hospitals ay nasa P50 lamang.

Bunga nito, lalung tumaas ang bayarin sa bagong application o renewal ng lisensya.

“Hindi naging epektibo at hindi naging garantiya na kapag makalusot sa mandatory private drug testing ay “drug-free” na ang drug-user dahil nga ang katangian ng testing ay “anticipated” ay mapapaghandaan ng aplikante ito sa ibat ibang paraan para makalusot,” ayon pa kay San Mateo.

Naunang kinontra ito ng ibang grupo na kinabibilangan ng Pasang Masda , Acto ., at iba pang transport groups.

The post Grupo ng PISTON pabor sa pag-alis ng mandatory drug test appeared first on Remate.

4 kataong tulak, nalambat sa buy-bust

$
0
0

APAT na lalaking umano’y tulak ng iligal na droga ang nasakote ng nga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na buy-bust operations noong June 27, 2013.

Sa ulat, kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Dantley Ramos, alias Spike/Kulas, 32, walang trabaho ; Lem Lluveras, alias Rambo, 28, habal-habal driver; Franco Laguilles, alias Kokoy, 36 at Arnulfo Acedera alias Bong, 32, make-up artist at masahista.

Ang mga suspek ay nahuli sa isinagawang bust bust operations ng PDEA sa magkakahiwalay na lugar sa Calapan City, Oriental Mindoro, La Union, Barangay Bogtong, Legazpi City kung saan nahuli sa kanila ang mahigit sa P30,000 halaga ng shabu.

Kinasuhan ang apat na suspek ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

The post 4 kataong tulak, nalambat sa buy-bust appeared first on Remate.

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>