TINATAYANG nasa kalahating milyon halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy nang masunog ang halos 30 apartment units sa Rodriquez St., Balut,Tondo, Maynila kaninang madaling araw.
Sa report ni SFO3 John Joseph Halique, umabot sa ika-apat na alarma ang sunog at idineklarang fir under control ganap na alas 1:30 ng madaling araw.
Aabot naman sa 40 pamilya ang nasunogan na nagsimula sa ikalawang palapag ng bahay ng isang nagngangalang “Gigi”.
SSanhi umano ng sunog ang nag-short circuit na refrigerator.
Ang sunog ay mabilis na kumalat bagaman tinangka pang patayin ito sa pamamagitan ng fire extinguisher
Wala ring halos nailigtasna ari-arian ang mga nakatira sa mga unit at wala rin naiulat na nasaktan sa pangyayari.