PATAY ang isang dalagita nang pagtatagain ng kanyang kapitbahay sa Jose Abad Santos, Davao del Sur.
Kinilala ang suspek na si Jim Boy Ponan, 19, ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, alas-6:40 ng umaga kanina habang nag-iigib si Rica Cañasares, 15, ng Sitio Ligo, Barangay San Isidro, nang abangan ng suspek at basta na lang pinagtataga.
Agad namang nahuli ang suspek habang inaalam pa ang motibo sa krimen.