INAALAM pa ng awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng 15-anyos na dalaga makaraang matagpuan ang nabubuok na niyang bangkay sa Daraga, Albay.
Kinilala ang biktima na si Mitzel Monreal, ng Barangay 31, Baybay Legazpi City.
Nasa state of decomposition na ang bangkay ng biktima nang matagpuan ng kanyang kabigan na si Lorely Daria ayon pa sa ulat ng pulisya.
Agad namang isinalang sa awtopsiya ang bangkay ng biktima.