DAKIP ang dalawang lalaking adik makaraan ang isinagawang buy-bust operation ng PDEA Northern Mindanao operatives sa Brgy. Sta Cruz, Tagoloan,
Misamis Oriental.
Kinilala ang mga suspek na sina John Kenneth Sabejon, 44, ng Brgy. Upper Macasandig at Johnrey Calam, 32 ng Casinglot, Tagoloan nasabing lalawigan.
Nabatid na huli sa pot session ang dalawa na nakuhanan ng dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P18,000.
Si Sabejon ay nasa drug watchlist ng PDEA.