SWAK sa kulungan ang isang binata matapos makuhanan ng mga bala ng baril nang masita ang una dahil walang suot na helmet habang naka-motorsiklo sa Caloocan City Sabado ng madaling araw, Abril 27.
Nahaharap sa kasong illegal possession of ammunition si Ralph Tan, 19, ng Corregidor st., Tondo, Manila.
Base sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, nagsasagawa ng check point ang mga pulis sa Rizal Avenue Extension ng lungsod nang mapansin ang suspek na walang helmet habang dala ang Yamaha Mio (1873-PK).
Sinita ang suspek at nang walang maipakitang papeles ay dinala sa presinto.
Inurirat ng mga pulis ang compartment ng motorsiklo at nakakuha ng pitong bala ng .9mm na baril na naging dahilan upang sampahan ng nasabing kaso.
Inaalam na rin ng mga pulis kung kanino ang dalang motorsiklo ng suspek.