UTAS ang isang electrician nang makuryente habang ginagawa ang kisame ng isang mall sa Cagayan de Oro City.
Kinilala ang biktima na si Edwin Jamoros, electrician ng Centro Mall.
Sa imbestigasyon, ilang araw nang nawawala ang biktima bago nakita ang kanyang bangkay na nasa kisame.
Lumalabas na noong nakaraang araw pa namatay ang biktima matapos makuryente.