Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mag-inang Acosta nakaligtas sa aresto

$
0
0

AGAD nakapagpiyansa si Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager at dating Bukidnon Rep. Nereus “Neric” Acosta bago pa man tuwirang naisilbi ang warrant of arrest sa kanya na ipinag-utos ng Sandiganbayan.

Sinabi ni Atty. Lodel Parungao, abogado ng mga Acosta na bago maihain ang warrant of arrest laban kay Acosta at sa ina nitong si dating Manolo Fortich Mayor Soccoro Acosta ay agad na nagtungo sa Sandiganbayan Fifth Division ang mga ito para makapagpiyansa sa halagang P6,000.

Kanina ay muling naglabas ang Sandiganbayan ng kautusang arestuhin ang mag-inang Acosta matapos ilabas ang pinal na desisyon  na nagbabasura sa inihain nilang motion for reconsideration.

Ang mag-inang Acosta ay naghain ng MR upang ipatigil ang pagdinig ng kaso dahil sa pag-atras diumano ng nagrereklamo laban sa mga ito.

Ang kasong perjury laban sa mag-ina ay nag-ugat nang ilipat ang may P5.5 milyong pondo mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa Bukidnon Vegetable Producers Cooperative (BVPC) noong ito ay kongresista pa.

Kasabay nito ay naghain na rin ng motion to travel si Acosta sa korte mula Abril 25-30 para dumalo sa isang pagpupulong sa Geneva, Switzerland kung saan tumatayo siyang Presidential Adviser for Environmental Protection.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>