TATLONG miyembro ng pamilya ang tinodas ng mga armadong kalalakihan sa Ampatuan, Mindanao, ayon sa ulat ng pulisya.
KInilala ni Senior Inspector Ronald del Leon, chief of the Ampatuan municipal police, ang mga nasawi na sina Jessie Pareja, Rosemarie, at Joshua, may tama ng mga bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanilang mga katawan.
Sakay ng motorsiklo ang mga biktima galing sa town market patungo sana sa Sitio Sabaduan, Brgy. Kauran nang sumulpot ang mga armadong lalaki at binaril ang mga ito ng assault rifles.
Patuloy na tinutukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek.