EMOSYUNAL na humingi ng paumanhin sa kanyang fans si dating WBA champion Nonito Donaire Jr., matapos mabigong maidepensa ang korona laban sa Cuban boxer na si Guillermo Rigondeaux.
Tinuldukan ni Rigondeaux ang pananalasa ng tinaguriang “The Filipino Flash” sa kanilang 12-round faceoff via unanimous decision para maagaw ang WBA title at mapanatili ang kanyang World Boxing Organization crown.
“I tried to give my all and push the fight, but we’ll be back.”
Pero sa kabila nito, nagpaabot din ng pagbati si Donaire sa kalaban, kasabay nang pagbibigay katiyakan na babangon siya.