TATLONG magkakasunod na lindol ang naitala sa Davao kaninang hapon, Abril 14.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naitala ang 2.5 magnitude na lindol alas-12:19 ng hatinggabi kanina silangan bahagi ng Bagangga, Davao Oriental.
Ayon pa sa Phivolcs na tectonic ang origin ng lindol at walang inaasahang aftershocks.
Nasundan naman ang naturang lindol dakong 1:13 ng madaling-araw kanina sa Silangan ng Manay, Davao Oriental matapos maramdaman ang 3.3 magnitude na lindol.
Iniulat ng Phivolcs na tectonic din ang origin nito.
Naitala rin ang 2.3 magnitude na lindol sa Silangan ng Sarangani, Davao del Sur dakong 1:11 ng hapon kanina.
Wala namang iniulat na napinsala.