PATAY ang isang negosyanteng babae makaraang barilin ng riding-in-tandem sa Ermita, Maynila kaninang umaga, Biyernes, Abril 12.
Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Fatima Salabi, 29.
Base sa imbestigasyon, sakay ng sasakyan si Salabi kasama ang kanyang asawa at dalawa pang empleyado sa Malvar St., Ermita, Manila pauwi sa kanilang tahanan sa Parañaque City nang paulanan siya ng bala ng mga suspek.
Agad na dinala sa Manila Medical Center si Salabi ngunit hindi na nagawa pang iligtas ng mga doktor.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.