Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

383rd Marikina Founding Anniversary ipagdiriwang

$
0
0

INIIMBITAHAN ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang lahat na makilahok sa pagdiriwang ng 383rd Marikina Founding Anniversary sa darating na ika-15 hanggang 21 ng Abril.

May temang “MASAYA, MASAGANA, NAGKAKAISA! Bawat Marikenyo, Ka-Angkan Ko!,” layon nito na alalahanin ng bawat Marikenyo ang patuloy na pag-unlad ng lungsod sa loob ng higit tatlong daang taon, kasabay na rin ang pagsasama-sama ng iba’t ibang angkan mula sa Marikina.

Magsisimula ang pagdiriwang sa pagtataas ng watawat ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa ika-15 ng Abril, 8:00 a.m. sa Marikina Freedom Park, na susundan ng pagbubukas ng Ka-Angkan Festival; seremonya sa paglilipat ng Hermano at Hermana Mayor; at ribbon-cutting ng Ka-Angkan Exhibit sa Marikina City Hall Quadrangle.

Susundan naman ito ng Marikina Day Mass sa ika-16 ng Abril, 7:00 a.m., sa San Isidro Labrador Parish; apat na araw na Bike Fair sa ika-17 ng Abril, 9:00 a.m. sa Marikina Sports Park Old Lobby; at ang pagpapasinaya ng monumento ni Gen. Hermogenes Bautista sa H. Bautista Elementary School ng 10:00 a.m.

Magkakaroon din ng mga patimpalak tulad ng Mr. & Ms. OSCA (Office of Senior Citizens Affairs) 2013 sa ika-18 ng Abril, 7:00 p.m., sa Marikina Freedom Park at Miss Marikina 2013 sa ika-19 ng Abril, 7:00 p.m., sa Marikina Sports Park.

Sa ika-20 ng Abril naman ay gaganapin ang Angkan Parade na magsisimula sa Bayan-Bayanan Avenue patungong Marikina Sports Park. Susundan ito ng Marikina Day program, pagpaparangal sa mga nanalo sa mga patimpalak, programa ng mga angkan, at isang fireworks display.

Bukod pa rito, kasama rin sa pagdiriwang ng Marikina Founding Anniversary ang ikalawang DEL Run (Takbo para sa Marikina Watershed) sa ika-28 ng Abril, 5:00 a.m., sa Marikina Sports Park.

Ang DEL Run ay isang fun run na naglalayong makalikom ng pondo na magagamit sa pagbili ng mga binhi na maitatanim sa mga nakakalbong parte ng Marikina Watershed at muling pagpapalago nito. Mayroon itong tatlong kategorya, ang 5km, 10km, at 21km run.

Para sa mga nais sumali sa 2nd DEL Run (Takbo para sa Marikina Watershed), tumawag lamang sa telepono bilang (02) 681-9277.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>