Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Carnappers muling sumalakay sa Makati

$
0
0

MULI na namang sumalakay ang mga notoryus na “carnapper” sa lungsod ng Makati makaraang tangayin ng mga ito ang mamahaling “sports utility vehicle (SUV)” ng isang real state agent.

Iniulat ng biktimang si Juan Miguel Andal, 28, ang pagtangay ng mga salarin sa kanyang Honda CRV (ZKv-121) nang ipapasok na niya sa garahe sa kanyang bahay sa kanto ng Binay at San Antonio Street sa naturang lungsod.

Batay sa salaysay ni Andal sa Makati Anti-Carnapping Unit, dakong ala-1:40 ng madaling araw ay ipapasok umano nito sa garahe ang sasakyan makaraang buksan ang gate ng compound nang huminto ang isang Toyota Fortuner at lumabas ang dalawang lalaki.

Sa kuha ng “closed circuit television camera” sa tapat ng compound, isa sa dalawang lalaki ang lumapit kay Andal at sinundan siya sa driver’s seat saka tinutukan ng baril.

Tinangay ng salarin ang susi ni Andal habang sumakay naman sa passenger seat ang dalawa pang lalaki saka mabilis na pinasibad ang behikulo.

Nakatakdang humingi ng tulong sa mga video expert ang biktima upang makilala ang mga suspek.

Inialarma naman ang pagkawala ng naturang sasakyan sa buong pulisya ng Metro Manila at karatig lalawigan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Inambus na ex-mayor naibulong ang killer bago natigok


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Beer Garden sa Lawton, pinasara ni Isko


Ibong Adarna Script


DELEGADO


Toni at direk Paul, tuloy na ang kasalan!


PAGBABATA


PAKIALAMERONG DIREKTOR NG NORTH CEMETERY


Final Destination 6, kasado na


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


HAWI


KANTUTAN


Ruru Madrid ultimate crush ni Klea Pineda



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>