IPAGBABAWAL na ng Commission on Elections (Comelec) ang campaign motorcade sa 18 pangunahing kalsada sa Metro Manila upang hindi makapagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.
Ito ay matapos na maghain ng petisyon si Metro Manila Development Authority (MMDA) Atty. Francis Tolentino sa tanggapan ng Comelec.
Ang petisyon ng MMDA ay agad namang kinatigan ng komisyon.
Kabilang sa 18 pangunahing lansangan sa Metro Manila na ipinagbabawal ang motorcade ay ang Edsa, C-5 , Quezon ave, Conmonwelath Ave., Espana Blvd. , Marcos Highway, E Rodriquez Sr. Ave, Aurora Ave, Ramon Magsaysay Ave., Pres. Qiurino Ave, Ortigas Ave, Show Blvd, Mia Road, Domestic Road, Roxas Blvd, Araneta Ave, A.H Lacson St, Rizal Ave, at Bonifacio Ave.
Ayon sa Comelec, ilalabas ang opisyal na resolution kaugnay nito sa susunod na araw.
Una nang sinabi ni Tolentino na kung may Comelec resolution na ang kanilang petisyon ay hindi lamang traffic citation ticket ang magigigng penalty nito kundi magkaroon ng penalty ng diskwalipikasyon.
“Right now under the resolution bawal muna,” ayon naman kay Comelec Chairman Sixto Brillantes.