NASA apat na ektaryang tubuhan na pag-aari ng Ecofuel Management Corporation ang nasunog sa Barangay San Macario, Delfin Albano, Isabela.
Sa report sa radyo, tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng napinsalang pananim.
Sinasabing nag-ugat ang sunog sa itinapong sigarilyo sa damuhan malapit sa plantasyon.