NAGTUNGO na ang dalawang grupo ng technical at forensic experts ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Atimonan, Quezon upang mangalap ng mga ebidensya at magsagawa ng re-autopsy sa mga napatay sa naganap na shootout.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, pito sa 13 napatay ang isasailalim sa re-autopsy base na rin sa kahilingan ng mga kaanak nito.
Nauna nang itinanggi ng mga kamag-anak ng mga napatay na miyembro ang mga ito ng gun for hire.
Nabatid na hiniling ng NBI sa PNP na i-turn over ang lahat ng mga nakalap na ebidensya habang hinihintay ang resulta ng paunang imbestigasyon ng PNP.
Ayon kay De Lima, bubusisiin ng NBI ang eksaktong lugar sa Bicol nagmula ang convoy ng mga biktima na sinasabing mayroon umanong business venture.
Isa rin umano umano sa tututukan ng NBI ay kung ano ang talagang misyon ng grupo ni P/Supt. Hansel Marantan, na nasugatan sa insidente.