INUGA ng magnitude 4.8 na paglindol ang Surigao del Sur, ayon sa Phivolcs.
Naitala ang sentro ng naturang lindol sa layong 20 kilometers silangan ng Marihatag, Surigao del Sur dakong alas-12:27 ng madaling araw.
Naramdaman naman ang Intensity IV at Intensity II sa Tandag at Bislig, Surigao del Sur.
Walang naiulat na nasaktan o pinsala sa pagyanig.