KRITIKAL ang isang mister matapos saksakin ng kapitbahay habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City, Sabado ng madaling araw.
Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Renar Valdez, 33-anyos, ng Katarungan St., Bagong Barrio, ng lungsod.
Nadakip naman ng mga suspek si Jasper Queroly, 19-anyos at kapitbahay ng biktima.
Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw, naglalakad ang biktima malapit sa kanilang bahay ng saksakin ng suspek.
Dinala ang biktima sa MCU habang nadakip ang suspek ng mga barangay tanod kung saan inaalam na ang dahilan ng nasabing insidente.