INILIKAS kagabi ang may 20 pamilya sa Upper Nawasa, Barangay Commonwealth, Quezon City dahil sa biglaang pagbaha.
Batay sa report ngayon sa radyo, dakong alas-8:00 ng gabi nang biglang tumaas ang tubig-baha sa naturang lugar.
Nakituloy naman ang ilan sa mga pamilyang lumikas sa mga kapitbahay nila na hindi inabot ng baha.
Sa ngayon, humupa na ang baha sa naturang lugar, ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino.