HINDI rin nakaligtas ang website ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga hacktivist.
Ayon sa report sa radyo, na-hack ang website (krisaquino.net) ng kontrobersyal na actress-TV host.
Makikita sa website ng kontrobersyal na aktres ang itim na banner ng nagpakilalang “Anonymous”.
Inekisan ng hacker ang isa sa mga advertisement ng TV host na makikita sa website.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may hi-nack na website ang naturang grupo.
***
Kaugnay pa rin sa TV host-actress, balitang tatapusin nito ang kanyang commitment sa seryeng pinagbibidahan sa ABS-CBN na “Kailangan Ko’y Ikaw”.
Magugunitang, noong Huwebes ng gabi, nang ihayag ni Kris nang live sa TV Patrol ang kanyang desisyon na iwanan na ang showbiz kasunod ng paglutang ng panibagong kontrobersiya sa kanila ng dating asawa na PBA cager na si James Yap.