LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Enero 7 (PIA) — Gaganapin bukas, Enero 8 ang isang advocacy and educational program tungkol sa nilagdaang framework agreement sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.
Nabatid na tatlong kinatawan mula sa Office of the Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga magiging tagapagsalita sa gagawing aktibidad.
Magiging tampok sa programa ang open forum kung saan malalaman ang mga opinyon at masasagot ang mga tanong ng taumbayan patungkol sa nilalaman ng kasunduan.
Inaasahan namang dadaluhan ito ng libu-libong mga mamamayan na magmumula sa iba’t-ibang sektor sa bayan ng Kabacan.
Ang gaganaping aktibidad ay inisyatibo ng Kabacan Local Government Muslim Employees Association (KALGMEA) at ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pamumuno ni Mayor George Tan.
Layunin nito na maipaliwanag ng tama at maayos sa publiko ang ang mga bagay-bagay kaugnay sa itatag na bagong teritoryo sa Mindanao.