MAKARAANG hindi na nakayanan ang hirap ng buhay ay hiniwalayan ng isang ginang ang kanyang pedicab drayber na mister na winakasan naman ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang bahay sa compound ng Asian Garden sa Intramuros, Manila kaninang tanghali.
Kinilala ang biktimang si Joel Ignacio, 24, ng 463 Anda Street Intramuros, Manila.
Sa ulat na isinumiti ni Det. Jay Santos kay P/Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, 11:30 ng tanghali nang madiskubreng nakabitin ng paneling straw ang biktima sa loob ng comfort room sa nasabing lugar.
Nabatid sa report na huling nakitang buhay si Ignacio kagabi, habang kasama ang kapwa niya pedicab driver na umiinom sa pilahan ng sidecar malapit sa Asian Garden, nasabing lugar.
Napag-alaman na may anak ang biktima sa kanyang kinakasama na hindi na binanggit ang pangalan at isa ang hindi maibigay na luho sa dahilan ng pakikipaghiwalay ng babae.