UMABOT sa 20 guro ng Department of Education ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (DepEd-ARMM) ang napatalsik sa kanilang trabaho.
Ito ay dahil sa pineke nila ang kanilang eligibility, ayon sa ulat ng Civil Service Commission (CSC).
Ayon kay DepEd-ARMM Secretary Atty. Jamar Kulayan, matagal na ang naturang reklamo laban sa mga ito na hawak na ngayon ng ahensya ang desisyon ng CSC kaugnay sa reklamong inihain laban sa nasabing mga guro.
Dahil dito, nahaharap sa kasong dishonesty at misrepresentation ang 20 guro na napatunayang peke ang kanilang mga dokumento kabilang ang kanilang eligibilit.