NASA Mindanao na ang grupo ng National Bureau of Investigation (NBI) na inatasang mangalap ng impormasyon kaugnany sa Sabah standoff.
Ang pagpapadala ng NBI team sa Sulu at Tawi-Tawi, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ay upang mapalakas aniya ang kasong isasampa laban kina Sulu Sultan Jamalul Kiram III at mga nakipagsabwatan dito.
Ayon sa kalihim, nais ng Pangulong Aquino na magkaroon ng isang komprehensibong imbestigasyon kaya naman lahat ng deputy directors ng ahensya ay nagtratrabaho.
Ngayong araw naman ay nakatakdang humarap sa NBI sina dating National Security adviser Norberto Gonzales at Pastor Boy Saycon.