TUMAOB ang isang barko habang nagkakarga ng trak na puno ng sako ng bigas kagabi sa Cebu.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Philippine Coast Guard (PCG), nawalan ng balanse ang barkong MV Angelica Grace dahil sa malalaking hampas ng alon nang dumaan ang isang fast craft sa Wharf, Mandaue City, Cebu.
Umaabot naman sa halagang P20 milyon ang danyos sa barko at mga produkto .
Nabatid na ang mga sako ng bigas ay nakatakda sanang dalhin sa Masbate.
Dahil dito, pagpapaliwanagin naman ang pamunuan ng fast craft dahil sa insidente.
Sa ngayon ay nilagyan nang oil spill boom sa paligid ng pinagtauban ng barko upang makaiwas sa posibleng pagtagas ng langis sa karagatan.