MASWERTENG walang nasugatan sa 16 security guards na nagbarilan sa Boracay island dahil sa away sa kani-kanilang binabatanyang lupa.
Nabatid na mula sa Alpha Security Agency at Golden Eye Security Agency ang mga sekyu na nagpaulan ng bala sa isa’t isa.
Agad namang dinis-armahan ang 16 sekyu na sangkot sa insidente.
Kabilang sa mga nakuhang armas sa kanila ang limang 9mm na baril at limang shotgun.
Ayon sa isang source na ayaw magpabanggit ng pangalan, nag-ugat ang barilan nang maglagay ng bakod ang isang claimant sa pinag-aagawang lupa.