KASUNOD ng rolbak sa produktong petrolyo na ipinatupad ng mga maliliit na kumpanya ng langis, sumunod na rin ang big three sa industriya ng langis kasama ng iba pa na halos magkakasabay na nagtapyas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo nitong linggo.
Epektibo kahapon ng alas 12:01 ng madaling araw ng Linggo, magkakasabay na nagtapyas ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng Petron, Shell at Chevron kung saan halagang P1.35 kada litro sa kanilang kerosene; P1.20 kada litro sa kanilang premium at unleaded na gasoline; P1.15 kada litro sa diesel at 95 sentimos para sa regular gas.
Samantala, nag-abiso na rin ang kumpanyang Phoenix Petroleum na magtatapyas rin sila ngayong linggo ng kanilang produktong petrolyo .
Kabilang sa babawasan nila ng halagang P1.20 kada litro ang kanilang premium gas; P1.15 kada litro ang tapyas sa diesel at 95 sentimos sa regular gas
Nauna rito, nagpatupad ng bawas presyo ng produktong petrolyo ang kumpanya ng Flying V at Seaoil.