NILINDOL ng may magnitude 3.8 ang silangang bahagi ng Burgos, Surigao del Norte kaninang ala-1:28 ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol sa layong 79 kilometro sa nabanggit na lugar at may lalim itong isang kilometro na tectonic ang pinagmulan.
Samantala, naitala rin ang magnitude 2.7 na pagyanig kaninang alas-5:14 ng umaga sa silangang bahagi ng Socorro, Surigao del Norte.
May lalim itong isang kilometro.