INABISUHAN ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga lamang-dagat na maaaring positibo pa rin sa paralytic shellfish poison (PSP) o red tide.
Ayon sa BFAR, positibo pa sa red tide toxin ang mga lamang-dagat sa Irong-irong Bay sa Catbalogan, Samar at sa mga baybayin ng Bataan tulad ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.
Sinabi ng BFAR na mapanganib ito sa kalusugan ng mga makakakain dahil may red tide toxin pa rin.
Ipinagbawal muna ang panghuhuli at pagbebenta ng lamang-dagat mula sa mga nasabing lugar.
Nilinaw naman ng BFAR na ang ibang mga isda, pusit, sugpo at alimango ay ligtas pa ring kainin basta’t nahuli o nabili nang sariwa, at nalinis nang mabuti. Johnny F. Arasga