Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bistek dumepensa sa pananampal sa Chinese drug pusher

$
0
0

KAHIT sampung sampal pa ay hindi sapat para pambayad sa mga krimen na maaaring magawa dahil sa impluwensiya ng droga.

Ganito ang naging depensa ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa ginawang pananampal sa isang Chinese drug pusher na nahulihan ng 10 kilo ng shabu sa Philcoa kahapon.

Napasugod si Bautista sa Philcoa nang mahuli ng mga awtoridad ang suspek na si Xu Zhen Zhi at nakuha ang 10 bags ng shabu na may halagang P15 million.

Noong una ay binigyan pa ng high five ni Bautista ang suspek ngunit nang tumangging sumagot si Xu sa kanyang mga tanong kung saan galing ang droga, naging seryoso ang alkalde.

Sumisenyas ang suspek na hindi raw maintindihan ang alkalde.

Ayon kay Bautista, paano nagkaroon ng driver’s license si Xu kung hindi nakakaintindi ng Ingles o Filipino.

Nakunan ng video ang dalawang beses na pagsampal ni Bautista sa Chinese national.

Sinabi ni Mayor Bistek na sa 10 kilong shabu, ilang buhay at kinabukasan ng kabataan ang masisira. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>