HINDI sinang-ayunan ng Department of Energy (DOE) ang panukala ni LPG Marketers Association Partylist Arnel Ty na magpatupad ng Daylight Saving time para makatipid ng enerhiya.
Ayon kay DoE Senior Science Research Specialist Maximo Rodriguez, ang paggamit ng Daylight Saving Time (DST) ay hindi na praktikal sa bansa dahil mas mahaba ang gabi sa ating bansa na ang ating bansa din ay nasa mainit na lugar kaya’t sa hindi katagalan ay lalong gagamit ng mga cooling gadgets ang mga tao.
At lumabas naman sa kanilang pag-aaral noong 1993 na nasa 0.3% lamang o 150 megawatt hour lang ang natipid ng Luzon Grid.
Sinang-ayunan naman ng Trade Union congress of the Philippines (TUCP) ang DOE na hindi maganda na ibalik pa ang DST na naunang ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Johnny F. Arasga